Why soft skills are more important than hard skills in the NZ job market

Kapag naghahanap tayo ng trabaho sa Pilipinas, kadalasan natin binabandera ang mga kakayahan natin teknikal.

Maaaring ito ay ang bilis nating mag type sa computer, magkumpuni ng sirang sasakyan, o kaya mag turok ng karayom para kumuha ng dugo sa isang pasyente.

Sa kabilang banda, mayroon din tayong mga tinatawag na “soft skills” tulad ng pakikipag kapwa tao, pakikipag negosasyon, malikhaing paghahanap ng solusyon sa mga problema, team work, adaptability o kaya sense of humour. Hindi tulad ng “hard skills” o kakayahang teknikal, mahirap itong sukatin, at kadalasang hinuhusgahan base sa kultura ng isang bansa.

Sa New Zealand, ang pilosopiya ng karamihan ng negosyo sa paghahanap ng staff ay naka ankla sa tinatawag na “soft skills”. Ang katwiran nila ay madali ituro o matutunan ang technical skills, at base sa pabago bago ng technolohiya, madalas ding nagbabago ang hard skills na kinakailangan. Marami na ring teknikal na trabaho ngayon ang unti-unti pinapalitan ng automation o mga robot.

Ang soft skills naman ay hindi madali matutunan at nade develop sa life experience ng isang tao. Malaking bahagi ang “team fit” sa Kiwi workplace at maaring masira ang team chemistry ng isang organisasyon kung maghi hire ng isang tao na hindi marunong makisama sa iba. Importanteng maintindihan na maliliit ang mga kumpanya dito at mahirap alisin ang isang tao kapag nagkamali ng hiring decision.

Ayon sa isang survey na ginawa ng Careers NZ, isang government organization na tumutulong sa mga taong humanap ng trabaho, ito ang pitong pangunahing katangian na hinahanap ng mga Kiwi employer:

1. Positive Attitude
2. Communication
3. Teamwork
4. Self-management
5. Willingness to learn
6. Thinking skills (Problem Solving)
7. Resilience

Madalas isisi ng mga bagong dating ang kahirapang maghanap ng trabaho dito sa di umano’y diskriminasyon o racism. Hindi ko sinasabing hindi nangyayari ito ngunit kadalasan, ang kakulangan sa “soft skills” ng mga bagong migrante ang pangunahing dahilan kung bakit nade decline ang application. Ikaw ba ang tao na gugustuhin ko makasama araw-araw sa opisina? Would this person complement ang mga taong naririto na? Can you express yourself well and articulate ideas effectively? Would this person fit our company culture and overall brand? Ito ang ilang katanungan na makakatulong sa iyo. Tumingin sa salamin.

Tandaan na mas mataas na posisyon o sueldo, mas mataas na soft skills din ang kinakailangan.

Naging minsan na rin akong hiring manager at sa sampu hanggang isandaan na CV na natatanggap ko para sa isang vacancy, expected na agad na makikita ang pare parehong hard skills mula sa mga aplikante. Magkakatalo ang pilian sa kung sino ang may higit na soft skills.

Para ma develop ang soft skills mo, malaki ang maitutulong ng pag volunteer o di kaya pagsali sa mga professional organizations tulad ng mga sumusunod:

Volunteerwellington.nz

Volunteeringauckland.org.nz

Toastermasters New Zealand

Maraming Pilipino ang mahilig makisalamuha sa kapwa Pilipino lamang kapag nandito na. Mas mainam kung maki bonding ka rin sa mga Kiwi at iba pang lahi. Malaki ang  magagawa nito para palaguin ang inyong “soft skills.”

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s