Paano magtrabaho ang mga Kiwi

NZ V PHILS2

Isa sa mga pinakamahalagang adjustment na kailangang gawin ng isang migrante ay maintindihan ang pagkakaiba ng work culture sa New Zealand kumpara sa Pilipinas. Kahit wala ka pang trabaho dito, makakatulong ito kung paano sumagot at kumilos sa isang job interview.

May isang pagaaral na ginawa ang isang Dutch social psychologist na si Geert Hofstede tungkol sa pagkakaiba ng mga kultura pagdating sa trabaho. Tinawag niya itong “Cultural Dimensions Theory” na maaring gamitin para ipaliwanag ang limang natatanging kaibahan ng isang Filipino worker at isang New Zealander.

1. POWER DISTANCE INDEX 

Sa Pilipinas, dahil kadalasan malaki ang mga organisasyon, malaki ang distansya ng mga manager sa kanilang mga tauhan. Tanggap sa ating lipunan ang inequality dahil na rin sa malaking agwat ng mayaman or mahirap. Sa New Zealand, dine describe ang kanilang lipunan as “egalitarian” o likas ng pagkapantay pantay ng mga tao. Dito, pwede mo tawagin ang boss mo by their first name. Sa isang organisasyon, ang mga desisyon ng mga nakakataas ay maaring kwestyunin, at kahit ang mga nasa mababang posisyon ay pwedeng magbigay ng suhestyon. Malaki ang pagpapahalaga natin sa status ng mga titulo tulad ng “Senior Manager” or “Executive”, samantalang sa New Zealand siya ay tatawagin lamang na “Team Leader”.

2.  UNCERTAINTY AVOIDANCE

Para sa mga Kiwi, mahalaga ang pagsunod sa mga batas at alintuntunin. Direkta sila kung magsalita at hindi sinasangayunan ang malabong usapan. Sa Pilipinas naman, ang mga batas ay naroroon, ngunit may flexibility tulad na lang halimbawa sa pagkuha ng driver’s license – pwede “mapagusapan” o maglagay. Sa pagpasok sa trabaho, kung ang nakatakdang oras ay 7:00am halimbawa, pinagbibigyan ang dumarating ng 10-20 minutes late. Sa pakikipagusap, kadalasan ang pagiging prangka para sa Pilipino ay senyales ng kayabangan. Sa paghi-hire naman ng mga empleyado ang Kiwi ay maingat sa pagpili samantalang ang Pilipino ay maaring sumugal sa isang “unknown” – dahil na rin pwede tanggalin kung kinakailangan. Mahalaga ang health and safety policies ng mga kumpanya dito dahil malaki ang penalty kapag may naaksidente o namatay sa trabaho.

3.  LONG TERM VS SHORT TERM ORIENTATION

Ang approach ng Kiwi sa mga problema ay praktikal at outcome-based. Kapag gumawa sila ng desisyon, nagiisip sila ng epekto nito five to ten years down the line. Sa Pilipino naman, mas mahalaga ang agarang solusyon at dumikit sa mga kilos na nakagawian na. Kaya ang isang third world na bansa tulad ng Pilipinas ay mabagal ang economic development, samantalang ang mga mauunlad na bansa tulad ng New Zealand ay focused sa continuous development.

4. MASCULINE VS FEMININE SOCIETY

Kung ihahalintulad ang kultura ng isang bansa sa kasarian ng tao, masasabing ang Pilipinas ay “masculine” – binibigyang halaga ang mga katangian tulad ng strength, dominance at assertiveness samantalang ang lipunan ng New Zealand ay maituturing na “feminine” – binibigyang diin ang kooperasyon, modesty at pagpapahalaga sa mga mahihina. Kung kaya’t hindi umuubra ang masyado pabibo sa interview dito sa New Zealand. Ikaw ang makikita bilang “Tall Poppy” at siguradong kaiinisan. Kahit ikaw pa ang “Michael Jordan” ng industriya mo, dapat ang hangarin mo ay mag “fit in”. Parang laro ng rugby na ang bawa’t isa ay may kanya kanyang papel.

5. INDULGENCE VS RESTRAINT

Pangkaraniwang tawagin ang Kiwi workplace na “laid back” o “petiks” sa salitang kanto. Importante sa kanila ang oras para sa rest and recreation kaya dito sa New Zealand mahaba ang paid vacation leaves (mandatory 4 weeks sa kasalukyang batas). Dito rin sa New Zealand makikita ang pagjo-jogging sa gitna ng lunch break. Sa Pilipinas, kahit mahilig rin tayo magsaya ang kultura natin ay likas na matiisin at hindi alintana ang paghihigpit ng sinturon. Mahilig ang mga pinoy sa overtime kahit umabot ng 70 hours per week magtrabaho samantalang ang kiwi ay bihira magtrabaho ng higit sa 40 hours kada linggo. Ang normal dito ay anywhere between 32-38 hours.

Sa pagiging aware sa limang pangunahing pagkakaiba ng work place culture, mas madali kang makaka assimilate sa lipunan ng mga Kiwi. Handa ka ba para kalimutan ang nakagawian at tanggapin ang mga ito?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s