Key questions to ask yourself when taking a chance with a Visitor Visa

Noong mga nakaraang buwan, dumadami ang nagtatanong sa akin tungkol sa pag-asang makahanap ng trabaho gamit ang visitor visa lamang. Sa aking nakaraan na blog post, nasabi ko na hindi imposible ang paraang ito ngunit madalang mangyari. Gayunpaman, marami pa rin ang nagbabakasali sa kadahilanang hindi masyadong malaki ang itatapon mong pera kung sakaling hindi ka datnan ng suwerte.

Lingid sa kaalaman ng marami, hindi bawal humanap ng trabaho gamit ang visitor visa. Ang tumanggap ng job offer ang bawal. Ang official statement ng immigration ay narito:

“When your visa was granted, it was on the basis of you visiting New Zealand. You can’t work on a visitor visa, but you can look for work.”

Walang “one size, fits all” approach, kung ano ang gumana kay Juan ay hindi automatic na gagana kay Pedro pero ang tagumpay ng paggamit ng visitor visa bilang residency pathway ay nakasalalay sa mga sumusunod:

1. Ano ba ang skills ko na dadalhin sa New Zealand? May kwalipikasyon ba ako at malawak na experience na magpapatunay sa skills na ito? Ang propesyon ko ba ay kailangan ng rehistro sa New Zealand? Kung oo, makukuha ko ba ito?

2. Hinahanap ba ang skills na ito sa New Zealand at ako ba ay babayaran ng malaking halaga para dito? Sa kasalukuyan, $55k per year pataas ang dapat na sueldo at pagbabasehan ng immigration kung iisyuhan ka ba ng work visa. (check careers.govt.nz for NZ salary ranges) Patutunayan din ng employer na wala siyang makita na katulad mo sa mga lokal kaya ikaw ang ihi-hire.

3. Ako ba ay may sapat na ipon para bumili ng plane ticket at pondong panggastos para sa unang anim na buwan ng paghahanap ng trabaho pati na rin ang pambayad sa immigration fees? Kung magisa ka lang, lagay mo na sa kalahating milyon ang kailangan mo. Kung dalawa kayo at higit pa, mas malaki pang halaga. Dapat handa ka na mawala ang perang ito pagkat walang makakasiguro kung makakahanap ka nga ng trabaho o hindi.

Sa huling limang taon, ito ang mga trabaho ng mga pinoy sa New Zealand na naging residente ayon sa Statistics New Zealand:

1. Registered Nurse (Aged Care) 1,268
2. Dairy Cattle Farmer 239
3. Registered Nurse (Medical) 238
4. Registered Nurse (Perioperative) 152
5. Chef 131
6. Registered Nurse (Critical Care and Emergency) 116
7. ICT Customer Support Officer 115
8. Registered Nurse (Surgical) 113
9. Electrical Linesworker (Aus) / Electrical Line Mechanic (NZ) 98
10. Carpenter 94

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s