Find out if your skill is “in demand” in 10 seconds

In a previous post, I’ve warned to be wary of NZ’s “skill shortage” lists. Sa panimula, magandang malaman ito sapagkat ito ang basehan ng immigration para bigyan kayo ng “bonus points” upang madagdagan ang inyong tsansang mapili sa EOI pool – ang unang hakbang tungo sa NZ residency.

Pero malungkot man sabihin, madami sa kababayan natin ang naliligaw ng landas sapagkat pagdating nila sa NZ, ang sinasabing “skill shortage” ay hindi pala totoo kapag nagsimula na silang maghanap ng trabaho.

Dapat natin tandaan na ang mga trabaho para sa migrante ay hindi nanggagaling sa gobyerno kung hindi sa mga pribadong kumpanya base sa demand for goods and services.

Mahalagang maintindihan na ang service sector ng New Zealand ang bumubuo sa 63% ng kabuuang ekonomiya nito – HINDI manufacturing o primary industry (gatas at agrikultura) na madalas ma-associate natin sa isang bansa katulad ng New Zealand.

Capture
Snapshot of the Economic sectors from Statistics NZ

In the bigger scheme of things, kahit pasok ka pa sa immigration points at mabigyan ng visa, sa huli, ang trabaho na naaayon sa iyong karunungan at karanasan ang magbibigay sa inyo ng kabuhayan at overall satisfaction sa pag settle.

Gawin ang apat na hakbang ito para malaman simula’t sapul kung ang inyong trabaho or skills ay “in demand” sa New Zealand:

  1. Pumunta sa www.seek.co.nz, ang leading job website ng mga kiwi.
  2. Ilagay sa “keywords” ang inyong major job title, alternative job titles or di kaya core skills. Halimbawa sa ibaba, pwede i-type ang “network administrator” o kaya “systems administrator”. Pwede rin i-specify ang mga associated keywords/buzzwords sa inyong industriya tulad ng “cisco” or “sharepoint.”
  3. Click “more options” at i-tick ang “full time” sa work type sapagkat ito ang requirement ng immigration sa pag approve ng residency then click “Seek.”
  4. Kung may lalabas sa search results na sampo o pataas na bilang ng full-time, permanent vacancies sa buong New Zealand, congratulations dahil masasabi mo na maganda ang pagasa mo makahanap ng trabaho dito.Kung hindi naman, huwag malungkot dahil at least hindi ka magsasayang ng oras at limpak limpak na salapi para lang mauwi sa wala ang pagpunta mo dito.

    Pwede ka mag-aral ulit, mag upskill at maghanap ng career alternatives na mas aayon sa New Zealand job market.

Capture3
Self-assessment of job or skill demand

2 thoughts on “Find out if your skill is “in demand” in 10 seconds

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s