Ano nga ba ang SKILL?

rat race

Maraming nagsasabi na ang New Zealand ay naghahanap daw ng mga taong skilled – kaya’t karamihan ng nakakapag migrate dito ay nagaapply bilang “skilled migrant.”

Bago mag apply ng trabaho, maging totoo sa sarili at ilista ang inyong mga skills na may pakinabang para sa ibang tao at magbabayad sila ng malaking halaga para dito.

Ano nga ba ang “skill”? Ayon sa diksyunaryo:

“A skill is the ability to do something well.”

Hindi porket nagbasa ka ng libro o nagaral ng apat o limang taong kurso tungkol sa isang larangan ngayon ay bukas meron ka ng “skill.”

Hindi lahat ng nag aral ay natuto.

Ang skill ay nahahasa sa matagal na panahon ng trial and error para masabi na ikaw ay magaling dito. Mas matagal mong ginagawa ang isang bagay, malamang mas gagaling ka o bibilis sa paggawa ng isang skill. Ang iba naman ay in-born o likas sa kanila ang magpinta o mag design halimbawa. Some are genetically gifted na gawin ang isang bagay. Ilan sa mga skills na pwedeng meron ka ay:

1. Mag program ng computer
2. Mag serve ng customer and ability to give their needs
3. Mag drive ng truck
4. Mag gatas ng baka
5. Magluto ng masarap at masustansyang pagkain
6. Mag ayos ng sirang sasakyan
7. Gumawa ng website
8. Mag gupit ng buhok
9. Mag alaga ng may sakit o matanda
10. Magkabit ng cable ng internet

Natural, hindi lahat ng skill ay babayaran ng pantay pantay. Sumasailalim ito sa batas ng supply and demand. Siempre, mas marami ang gumagawa ng isang skill, mas marami kang kalaban sa trabahong ito, mas magagawa ng employer na maging mapili o di kaya’y baratin ang pagbabayad para sa skill na ino offer mo.

Kadalasan, ang sueldo ang tinitignan ng immigration kung papasok ka sa tinatawag na “skilled immigrant” – naglalaro ito sa halagang $55k a year pataas.

O kung marami man ang gumagawa ng skill na alam mo, masasabi mo ba na isa ka sa upper 5% ng pinakamahusay? Kung oo, paano mo mapapatunayan ito sa harap ng isang employer?

Ang konseptong inilalahad ko ang magbibigay sa inyo ng bigger picture sa pakikipagsapalaran dito sa bayan ng middle earth. Dahil marami ang gusto pumasok at manirahan dito, tanong sa sarili kung ano ang inyong competitive edge laban sa puti, negro, tsino, bumbay o kung ano mang lahi. Lahat sila ay gusto rin magkaroon ng job offer kagaya mo. Sa marketing, ang tawag dito ay “product differentiation.”

Huwag idaan sa “bahala na.” Kung sa Pilipinas a degree from UP or Ateneo or a mention ng isang bigating kumpanya was enough to get you in the shortlist, well, in New Zealand it will be a totally different ball game.

Alamin ang inyong core competencies, ilista ang major players at saliksikin ang gaps or niche in the market. If you call yourself a “skilled professional”, you better have superior knowledge about your industry.

2 thoughts on “Ano nga ba ang SKILL?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s