Anim na hakbang sa paggawa ng epektibong “Kiwi CV”

Kiwi CV

Dahil sa internet age, karamihan sa mga job advertisements dito sa New Zealand ay makikita na ngayon sa mga website tulad ng seek o trade me. Bagamat nabanggit ko na mas epektibong job hunting technique ang paglapit mismo ng personal o “door knocking,” kadalasan hihingi pa rin ang inyong potential employer ng kiwi format CV. Malaki ang kaibihan nito sa naka gawian na resume sa Pilipinas.

Kung mahusay ang pagkakasulat, ito ang magiging tulay mo sa interview shortlist lalo na kung mahigit sa 200 katao ang nagbato ng kanilang application. Mula noong pagtungtong ko sa NZ noong 2009 hanggang sa kasalukuyan, daan daan na ang job applications na nagawa ko at nakita ko ang mga bagay na gumagana at hindi. Noong 2010 at naging permanent resident, ako naman ay naging hiring manager sa isang Australian retailer.

Nakita ko ang magkabilang panig ng hiring process at ito ang ilang mapapayo ko:

1. 10 Second Rule

Sa dami ng nagaapply sa mga trabaho dito (on average 200+ sa bawat vacancy) mula local at overseas, tandaan na ang HR o hiring manager ay may mga sampung segundo para tignan ang iyong CV. Dapat sa loob ng 10 segundong ito ay mapansin ka nila kung kaya’t ang unang sampung linya sa CV sa heading na “Summary of Skills” or “Profile” (mainam kung bold font) ay dapat nagma match sa key selection criteria ng trabaho. Kadalasan makikita ito sa kalakip na job description ng advertisement. Isa o dalawang pahina lang ang Kiwi CV pero sa first page pa lang ay dapat malaman na kung fit ka ba sa trabaho o hindi. Sa karanasan ko, hindi kailangan lagyan ng “Career Objective” o “Personal Statement.”

2. Avoid Big Titles. Instead, highlight results

Kung sa Pilipinas naka sulat ang “duties at responsibilities” ng bawat trabaho sa inyong employment history, dito, mas mabuti kung “accomplishments” ang ilagay mo in one or two sentences. Halimbawa — pinataas mo ba ang sales ng kumpanya, pinahusay mo ba ang efficiency ng opisina, nakatipid ba ang kumpanya dahil sa mga ginawa mo?

Sa pagsusulat ng inyong experience, ang mga Kiwi ay hindi mahilig sa big job titles tulad ng “Executive,” “Director” o “Senior Manager“. Palitan ito ng “Team Leader” kung ikaw ay naging manager o di kaya “Team Member” kung bahagi ka ng staff. Tulad ng nabanggit ko, karamihan ng negosyo dito ay maliliit na may 1-5 empleyado lamang kaya’t flat hierarchy sila dito.

3. Short and sweet

Tanggalin ang mga detalye tulad ng date of birth, place of birth, name of father, mother, spouse, hobbies sa iyong CV. Wala itong kabuluhan sa kakayahan mo sa trabaho. Pati na rin ang pangalan ng eskwelahan kung nagaral ka sa Pilipinas dahil hindi naman nila kilala ang UP, Ateneo o La Salle. Isulat lamang ang degree kung hinihingi ng job description. Kung hindi, huwag mo na isama dahil kakaunti lang sa Kiwi ang may degree at kadalasan ikaw ay makikita as “overqualified” o “expensive.” Dito sa NZ, unless nasa larangan ka ng siyensiya, angat ang experience sa kahit anong degree — kahit Oxford o Harvard pa yan. May kinalaman ito sa kulturang “DIY” (do it yourself) o “number 8 wire”.

4. Pick an English name

Kung ikaw naman ay may pangalan na mahirap i pronounce tulad ng “Ramoncito” o “Procopio” baka mas mainam na palitan ito ng nickname na “Raymond” o di kaya “Proppy.” Kung hindi nila masabi ang iyong pangalan, baka mahiya na sila tawagan ka sa telepono.

5. Get the technicals right

Basic ang pagkakaroon ng tamang grammar at spelling in British English. Pabasa ang inyong CV sa isa o dalawang tao (preferably kiwi) kahit sa tingin mo magaling ka sumulat. Kumuha ng NZ sim card with an easy to remember number. Pumili ng professional email address at hindi pabebe@ako.com. Linisin ang inyong social media accounts ng mga incriminating photographs or set to private. PDF or Word Doc ang preferred format kung ipapadala by email.

6. A good cover letter can seal the deal

Kung sa CV makikita ang inyong skills, experience at pinagaralan, dapat lumitaw sa cover letter ang inyong personality. Dapat 1 page din ito at direct to the point. Nakita na ng recruiters and hiring managers ang lahat ng uri ng cover letter so dapat ikaw ay naiiba. Customise at pwede haluan ng konting humour. Lagyan ng kwento ng pag research mo sa kumpanya o organisation at bakit mo gusto magtrabaho doon. It’s a proven fact that people are narrative creatures and drawn to good stories tulad ng sa pelikula at telebisyon.

Higit sa lahat, dapat masagot nito ang tanong na “bakit ikaw ang dapat naming piliin sa dalawang daang aplikante?” I-highlight ang iyong competitive advantage na hindi mayabang o “tall poppy” ang dating.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s