Paano makahanap ng unang trabaho sa New Zealand

job_hunt“New Zealand is not a small country, but a big village” – Sir Peter Jackson

Para sa susunod kong post, minabuti kong gamitin ang sariling wika para lubusang maintindihan ng mga kababayan natin ang totoong landas na tatahakin kapag pumunta sa New Zealand.

Karamihan sa mga website na patungkol sa pag migrate dito ay nagtuturo kung paano magbukas ng bank account, kumuha ng tax number sa Internal Revenue (ang tawag sa BIR dito), o maghanap ng matitirahan. Bagaman mahalaga ang mga nasabing impormasyon para sa inyong settlement, wala nang mas hihigit pa sa pag secure ng permanente, full-time (30 hours kada linggo o higit pa) at skilled na trabaho. Sa huli, ito ang makapagbibigay sa iyo at iyong pamilya ng kapangyarihan para manirahan dito at makuha ang inaasam na permanent residency o citizenship.

Ito ang ilan sa mga na-obserbahan ko sa New Zealand job market sa anim na taon kong paninirahan dito. Daan daang trabaho ang inaaplyan ko mula 2009 at ang mga sumusunod ay maaring makatulog sa inyo upang makatipid ng oras at matuto sa mga pagkakamali ko:

  1. Go for quality, not quantity. Ang kadalasan diskarte ng bagong salta sa New Zealand ay ipadala ang isang generic CV sa lahat ng kumpanya na may kalakip na generic cover letter. Sa aking opinyon, hindi magandang strategy ito. Mas mainam na intindihin mabuti ang hinihingi ng role at i-tailor fit ang nakasaad sa job ad. Alamin ang tamang kiwi format. Lagyan ng personal touch ang cover letter na naiiba. Lagyan ng konting kwento kung paano mo nakilala ang kumpanya at bakit mo pinili mag apply. Tandaan, daan daan ang nagaapply kahit taga linis o taga prito ng hamburger sa Mcdonalds. Ang objective ng CV ay mapansin ka sa daan daang ito para maimbitahan ka sa interview.
  2. Mas effective ang pagtawag o walk-in kaysa online applications. Noong nagsisimula pa lang ako dito, inobserbahan ko kung paano maghanap ng trabaho ang mga kiwi. Bihira sa kanila ang naghahanap sa mga dyaryo o job websites. Kadalasan dahil nga maliit na bansa o “big village” ayon kay Sir Peter Jackson ay nagtatanong lang sila sa mga kapitbahay o kakilala ng mga job leads. Sa ibang bahagi ng mundo, ang tawag dito ay “networking” na napatunayan na pinaka effective job hunting strategy dahil meron na agad na mag vo-vouch para sa iyo. Padrino system din ang kalakaran dito. Kung wala ka naman kakilala sa kumpanya, di hamak na lamang pa rin ang taong nakita o nakausap na nila sa telepono kaysa sa taong nagpasa lamang ng paper o electronic CV.
  3. Mas mahalaga ang “team fit” kaysa talino o abilidad. Bahagi ito ng kulturang kiwi na ilang taon ko rin bago lubusang naintindihan. Parang laro ng rugby kung saan lahat ay pantay pantay at may kanya kanyang role. Kahit ikaw pa si Michael Jordan ng industriya mo malamang hindi ka mapipili sa trabaho kung mayabang ka sa interview pa lang. Kung palarin kang ma interview, confident at humble ang mas magandang approach. Kung ang mindset mo ay “I have X talent and you will pay me Y amount of dollars that’s why I applied” ay siguradong hindi ka mapipili. Ngunit kung ang sasabihin mo na nababagay ka sa kultura ng kumpanya dahil masayahin, adventurous kang tao halimbawa sa isang outdoor clothing store mas malaki ang tsansa mo na mabigyan ng job offer. I-research ang kumpanya na gustong applyan at malaki ang maitutulong nito.
  4. Maging katulad nila. Kung titignan mo ang mga online forum sa internet, makikita ang mga katagang “do the right thing, hire a kiwi.” Sa mga tindahan, mapapansin ang mga salitang “support local” o “100% kiwi owned and operated.” Sa media, madalas ang pagtuligsa sa mga migrante na nangaagaw ng trabaho at pinabababa ang mga sahod. Alamin ang kultura ng kiwi at ipakita na ikaw ay isang local at hindi foreigner. Manuod ng rugby o shortland street. Sumayaw ng haka. Madalas kasi sa mga pinoy dito ay nagbubuklod in their own little groups at hindi nakikihalubilo. Hindi ito makakatulong sa job search mo. Meet one new person a day ang maipapayo ko.
  5. Generalist over specialist. Ang average na New Zealand company ay limang tao lamang. Kaya’t ang mga staff ay expected na gumawa ng isa o higit pang trabaho (unless ikaw ay nasa larangan ng health care). Kung marami kang skills na kayang gawin, mas maganda.
  6. Nothing beats a kiwi based reference. Isa sa mga kakaiba sa paghahanap ng trabaho dito ay ang kahalagahan ng “referee” o taong makakapagpatunay ng character mo. Usually ito ang final step ng hiring process. Mas maganda kung ang referee na ito ay nasa New Zealand para madali nila matawagan. Kung bagong dating ka, pwede ang referee mo ay supervisor sa volunteer work mo, church pastor o teacher sa isang short course. Isa o dalawang tao na kilala ang pagkatao mo pero preferably hindi mo kamag anak o malapit na kaibigan.

kiwi-only

Ang unang trabaho ang pinaka matinding pagsubok sa bagong migrante sapagkat ito ang magiging susi mo sa immigration requirements. Bukod sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya, mahirap makuha ang mga job offer dito dahil sobrang maingat ang mga kumpanya sa paghi-hire dahil mahigpit ang labour laws at hindi basta basta pwedeng alisin ang empleyado. Once malampasan mo ang tinatawag na trial period ng 90 araw, may security of tenure ka na at yan din ang magbibigay ng kiwi reference mo sa mga susunod pa na trabaho na aaplyan mo.

3 thoughts on “Paano makahanap ng unang trabaho sa New Zealand

  1. Ako po si marlon isang karpentero lahat nang gawaing pang belding o bahay maronong na ako.30yrs na akong naging carpentero,mason,welder at iba pa.pwede ba akon mag apply dyan?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s